About Me

Saturday, October 2, 2010

Blogger Mommy

dali!! pgkaligpit ng kwarto, paliguan naman si beaboo..pgka-kain ng almusal..pag napaupo sa harap ng computer..patay! (tulad ngayon =) wala na naman matatapos na trabaho. maliligo, magbibihis pupunta na ng tindahan para magtinda ng bakal, semento at mga pako. --pambili ng gatas at diaper ni beaboo.



pgdating sa gabi, hala ikot ikot. pahinga sandali..patulugin nman ang aking dakilang junakis. wag kalimutang mgdasal anak...tandaan mo, lahat ng ineenjoy natin ngayon ay galing sa Diyos "yes mommy!" sensya na..spokening dollar kasi tong anak ko kahit na wala kami ni isang dolyares. =) singkong duling lang madami..hehe.

pgkatulog ni beaboo..ayan na..makikipagunahan na ke hubby sa pag-gamit ng computer..isa lng kasi pc namin..ang laftaf naman sa sobrang tanda na mrami nang iniindang sakit...as in nagco-color green na ang screen pag mtgal ginagamit.

dali!! bago umupo si hubby. minsan, wla tlgang magawa kasi kelangan mgtrabaho ni hubby so tiisin na lng muna ang laftaf na green ang screen =). pero ngayon..dali!!

hay salamat naunahan ko si hubby. hanggang hating gabi ako pwede magsulat. salamat sa nagimbento ng blog. dahil dito, buong mundo ay pwedeng magbasa sa mga pangyayari sa buhay ng isang blogger mommy.
tumayo lng sandali, naunahan na naman ako ng bulilit!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...